Monday, June 06, 2005

G.A.

This Sunday has been one long busy fun day! First, I went to church and had lunch with my family. Nauto namin si Daddy dun sa may Chowking malapit sa simbahan...tignan nyo naman kami ng mga kapatid ko..mukhang mga gutom na gutom di ba? hek hek. Usually Mom cooks during Sundays, pero ngayon nagpauto naman ang Daddy at dun na lang kami sa labas kumain. Nadala siguro sa drama ni Joseph na nahihilo na sya at gutom na gutom. =)

sunday

Pagkatapos, natulog lang ako sandali dahil puyat ako kagabi at dumiretso na ko sa Glorietta para i-meet ang teammates ko dahil meron kaming Group Activity sa Laguna. Nagrereklamo na nga sila Daddy dahil lagi daw ako wala sa bahay at puro G.A na lang kami lagi. Buong linggo na nga magkasama sa work, pati off, kami kami pa din magkakasama! na nga ang bonding namin eh. Super close na lahat. Kaya lang, huling G.A na namin to, napromote na kasi ang TL namin at hinati na kami sa tatlong team. Naginuman, swimming, at videoke kami doon. Hay naku, ako na naman ang napag tripan sa shotgun na nilaro namin. Sunod sunod na lang sa kin ang tanong. Nahilo tuloy ako sa kakainom ng vodka. Ganon kasi ang consequence kapag ayaw mong sagutin ang tanong. Kung napahaba haba ang tanungan, baka kung ano na ang nasabi ko. Buti na lang, nag videoke na ulit sila at natapos na ang laro. Tsk tsk..kung hindi, baka tampulan na naman ako ng tukso pagbalik ng office sa Monday. Dami namin food! Nauna na kami umuwi nila Justin, Neil, Aldin, Allan at Carla. Pero bago kami umalis, nagsipagkuha na kami ng pagkain..para may ngangatngatin kami pag Avail time. Hehehe Saya! =)

Laguna GA

Wanna see more? Click here

UPDATE: Pics from Just's Cam


0Comments:

Post a Comment

<< Home