Saturday, June 04, 2005

New GadGet

Psstt...meron akong bagong laruan! Matagal ko na gusto bumili ng digicam. Kanina sinamahan ako ni Natnat sa Quiapo para tumingin ng mga camera sa Hidalgo St. dahil doon, tabi tabi ang mga photoshops at sobrang mas mababa ang presyo sa mall. Haha! Buti na lang naghintay ako at tumingin sa Quiapo dahil kung hindi, binili ko na sana yung nasa mall at napamahal pa ko ng mga 5,000! Grabe..ang laki ng pinagkaiba ng presyo sa mall. Buti na lang talaga! Nakabili pa tuloy ako ng battery charger at 512mb na memory card. Yan, ang dami ko ng ma-sasave na pictures! Nakakatuwa dahil ang laki ng natipid ko...Buti na lang at sinamahan ako doon ni Nat kasi madami syang alam tungkol sa photography at na-explain nya sa kin yung mga dapat kong malaman. Gusto ko sana SLR para pang professional pero di kaya ng budget kaya yung medyo semi-pro na lang. Binili ko yung Canon Cybershot a510. Ok na din kasi madami syang features, pwede mo baguhin manually ang controls. Di lang point and shoot! Eto, pinaglaruan muna namin ang camera.


habang nakikipagbaratan sa tindahan..



Sarap ng siomai..

Tapos punta naman kami ng Greenhills para kitain sina Justin at Cathy. Gutom na kami lahat at nagcacrave ng Chinese food kaya dun kami kumain sa Le Ching.






Tapos lakad lakad lang...





Excited pa naman ako umuwi! Inulan pa ko ng malakas sa daan, grabe, wala akong dalang payong. Ang buong pinagdadasal ko lang kanina pauwi eh sana di mabasa ang camera ko..hehehe di bale nang ako ang mabasa. Ang higpit nga ng hawak ko sa plastic bag no. Tapos sa sobrang traffic dahil sa baha, natapos ko nang basahin ang manual at nakatulog pa ko sa bus. O sige..dito na lang muna dahil maglalaro pa ko. =)


1Comments:

  • got it for 10,800. Price nya sa mall is 16,000. Ok ang ixus because it is handy pero kase what i like about the powershot is the ability to manually change the controls. hehe astig!

    By Blogger Cris, at 11:03 PM  

Post a Comment

<< Home