Umuulan
Hay naku! Ang lakas ng ulan pag alis ko ng bahay kanina. Sakto pa talaga sa oras ng pa-alis ko nung bumuhos ang ulan...nakakainis! Ayoko ng magkasakit ulit ano! Lahat na nga ng pinsan ko may trangkaso. Paiba iba kasi ang panahon. Minsan mainit, minsan malamig. Wala akong choice kung hindi lumusong sa baha dahil malalate na ko pag di pa ko umalis. Nagbayad na tuloy ako ng special sa tricycle dahil mahaba ang pila at ayokong maghintay. tumatagaktak na nga pawis ko sa init kanina. Tamang tama pagdating ko sa Fatima, may FX papuntang LRT. Ayos! Di ako makakalanghap ng polusyon. Sakay ako agad. Kaya lang kamalas malasang malas talaga, mga 20 meters pa lang ata natatakbo ng driver eh nahuli na sya ng MMDA! At ang mokong wala pang dalang lisensya. Ewan ko ba, di yata sila nagkasundo sa lagay. HeHe. No choice, binalik na lang nila ang bayad namin at pinababa kami. Nagabang na lang ako ng ibang masasakyan.
Wala ng ibang FX akong nakita, kaya napilitan akong mag jeep na lang. Hay naku..nakatipid nga. Puno naman ng alikabok at polusyon ang mukha ko!
Inaantok ako kanina kaya pag sakay ko sa LRT umidlip ako. Nag on na lang ako ng alarm na 15 minutes para magising ako pag dating ko sa Buendia station. Ewan ko ba kung bakit, nakanganga pa ata ako sa lrt habang tulog. Nakakahiya yun ha! May napapanaginipan ata akong nakakatawa. Nararamdaman ko nguminguti ako habang tulog. Hehe baka isipin nila baliw ako. Sabagay totoo naman....hehehehe! Mabuti di ganong traffic. Nakarating ako ng office 5 minutes bago ang time namin. Akala ko late na naman ako..buti na lang at hindi.
3Comments:
yahoooo on time ka dumating :) di bale ng mabasa ng ulan hwag lang late lol ako din ayaw ko nagkakasakit. i hardly get sick and if i do, matagal akong maka-recover. dami ko na ngang naipon na sick leave hours eh. ayaw ko naman gamitin kasi hindi naman ako nagkakasakit. only when it is needed di ba? super ginaw nga dito eh, below 15degC. doble-doble ang aking damit *hehehe*
By Anonymous, at 2:42 PM
wow...buti pa dyan malamig! dito kahit na madaling araw na ang init init pa din..as in tumatagaktak ang pawis no! naiinis na nga ko minsan. nakakatamad gumalaw pag ang init init. hehehe
By Cris, at 7:05 PM
haha! grabe talaga...naalala ko yung time din na nag-ko-commute ako papuntang office. lusob sa baha, tapos mainit minsan, tapos kung sino-sino pa nakakasabay mo sa jeep. maghanap ka na ng place malapit sa office noh? Ü pero kunsabagay there's no place like home.
By Anonymous, at 2:55 PM
Post a Comment
<< Home