Monday, June 13, 2005

BalikBayan

Sinundo namin kanina sa airport sina mama, papa, tita cherrie at si tita jessie. Galing Toronto si Tita Jessie and yung iba galing Las Vegas. Umuwi sila para sa golden wedding anniversary nila mama at papa. Sila ang mga grandparents ko sa father side. Buti na lang Araw ng Kalayaan ngayon kasi nagpunta lahat sa bahay nila sa Novaliches. huhuhu lugi ako. Lahat ng pinsan ko andun. Ako may trabaho! Sana lang di ako maubusan ng pasalubong. *Wink* *Wink*

Nauna dumating si Tita Beverly dito. Nung Saturday pa sya nandito. Kagabi, nilibre nya kami ng 2 ko pang pinsan at si mommy sa PowerPlant sa Rockwell. Nanuod kami ng Mr. and Mrs. Smith. Wow, grabe, ang ganda ng movie na yun! 10pm pa yung movie so bago yun, nilibre ko muna sila ng coffee sa gloria jean's. Kakatuwa si mommy, aliw na aliw. Dami kasi namin nakitang artista dun sa mall.

Tatlong araw ng halos wala akong tulog! Antok na antok na tuloy ako ngayon sa trabaho. Sayang. Sana wala na lang pasok. Nagshopping kasi sila sa Greenhills. Yan tuloy, di ako nakasama. Hinatid na lang nila ko sa office tapos saka sila nagpunta dun. Grabe talaga, antok na ko! Matutulog na lang ako mamayang lunch. =)


0Comments:

Post a Comment

<< Home